Ako si Kristine Anne Candelaria | |
Hhmm.. Hindi kami mayaman, hindi rin kami kapos. Siguro, tamang-tama lang ang estado ko sa buhay. Hindi ako 'yung tipo ng ba bae na halos araw-araw bumibili sa Starbucks. Parang napaka-impraktikal naman kung araw-araw mong gawin 'yun. Eh ang mahal-mahal kaya ng isang kape 'dun. (Hahahaha!) Hindi ko naman sinasabi na masama ang bumibili 'dun. Pero masama din ang sobra. Isipin mo 'yun? Para mo nang ginagawang tubig ang kape ng Starbucks. (Hahahaha!) Masaya naman ang buhay ko. Simple lang. Hindi ako gaanong maluho, dahil sakto lang 'yung perang pinanunustos samin para sa araw-araw. Tatlo nga pala kaming magkakapatid at ako ang panganay. Mahirap ang maging panganay alam niyo ba 'yun? Na sa'yo ang responsibilidad. At syempre kailangang ikaw lagi ang nagbibigay dahil nga sa ikaw ang panganay. Pero masaya rin naman kahit papano. Mahirap din naman pag only child di ba? Na sa'yo nga ang luho. Pero wala ka namang kasama kung nalulungot ka o masaya, syempre bukod pa ung parents ko doon. Upcoming 2nd Year Highschool nga pala ako this year. (2009-2010) Mga grades ko? Hmm.. Ayun. Maayos naman. Average Student lang ako eh. Pero nagpupursige talaga ako para maging honor sa aming klase. Gusto ko kase madala sina mommy at daddy sa harap ng stage eh. (aww.) hahaha! Totoo 'yun. Kaya nga ngayong taong ito, pagsusumikapan ko talaga. Gusto ko maging proud sila para sa'kin. Gusto kong makita nila na sulit 'yung pinaghihirapan nila. Housewife ang mommy ko. Ang daddy ko naman Seaman. Mahirap ang trabahong Seaman ah, mahirap ang malayo ka sa pamilya. Pero anung magagawa namin 'di ba? Kailangan lang ng kaunting sakripisyo para makamit ang aming mga pangarap. (Whew! Lalim!) Hindi nga pala ako showy na tao. Lalo na pagdating sa mga emosyon. Gusto ko kase pribado 'yung buhay ko eh. Pinaaalam ko lang 'yun sa mga taong ka-close ko. Wala na ko ibang masabi. Pasensya na ha. Pero 'di bale. Siguro naman tama na 'to para ipakilala 'yung sarili ko. |
Saturday, June 6, 2009
Pagpapakilala
Subscribe to:
Posts (Atom)